Posts

Showing posts from 2017

Unang mensahe - Ang Pagbabalik

Hindi ko na mataandan kung kailan ako huling nagsulat. Sa totoo lang ay maaari ko namang tignan kung kailan ngunit ayoko nang balikan ang nakaraan. Ngunit sa gulo ng buhay ko, kaya ko to ginagawa ay dahil babalikan ko ang nakaraan ko. Maraming nangyari. Maraming nagbago. Maraming kasiyahan at kalungkutang dumating sa buhay. Ilang taon lamang iyon. Nakakatakot hindi malaman ang dulo at nakakatakot ring malaman ang kasalukuyan. Kaya heto na, babalikan ko na ang dating ako. Magbabalik loob na sa dating gawi at magpatuloy na sana upang makilala nang husto ang sarili.